BINOMBA ng tubig saka binangga ng China Coast Guard (CCG) Ship ang isang barko ng Pilipinas sa katubigan ng Pag-asa Island.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang ang BRP Datu Pabuaya, ang ligtas na naka-angkora sa Pag-asa Island para magbigay ng proteksyon sa mga Pilipinong mangingisda, bilang bahagi ng “Kadiwa para sa Bagong Mangingisda” (KBBM), kahapon ng umaga.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Goitia kay Nartatez: Ang Heneral na Nagpapakumbaba sa Harap ng Diyos
Gayunman, naharap aniya ang Philippine Vessels sa Dangerous at Provocative Maneuvers ng mula sa CCG, matapos silang lapitan at direktang i-water cannon ang BRP Datu Pagbuaya saka binangga.
Sinabi ng PCG official na nagtamo ng “Minor Structural Damage” ang barko ng Pilipinas subalit wala namang nasugatang crew.
Idinagdag ni Tarriela na sa kabila ng pambu-bully at marahas na aksyon ng tsina ay nananatiling determinado ang PCG at BFAR.
Hindi rin aniya sila magpapadaig sa intimidasyon, dahil ang kanilang presensya sa Kalayaan Island group ay mahalaga para protektahan ang karapatan at kabuhayan ng mga mangingisdang Pinoy.