28 October 2025
Calbayog City
Local

DepEd, nanawagan ng mas mahigpit na seguridad matapos ang pamamaril sa 1 guro sa Leyte

IPINAG-utos ng Department of Education (DepEd) sa Eastern Visayas ng agarang paghihigpit sa Security Protocols sa buong rehiyon.

Kasunod ito ng pamamaril na ikinasawi ng isang guro sa loob ng classroom sa Matalom, Leyte.

Inilabas ni DepEd Regional Director Ronelo Al Firmo ang direktiba sa lahat ng DepEd Field Offices sa layuning palakasin ang seguridad sa mga campus at hindi na maulit ang kaparehong insidente.

Kabilang na rito ang pagkuha ng Security Personnel sa mga eskwelahan, pakikipag-ugnayan sa PNP para sa karagdagang Visibility at presensya ng pulis sa mga paaralan, at paghingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay para sa posibleng Deployment ng mga tanod.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).