9 July 2025
Calbayog City
National

DepEd, bumuo ng task force para gumanda ang performance ng mga Pilipinong Estudyante sa International Assessment Tests

BUMUO ang Department of Education (DepEd) ng task force na mangangasiwa para gumanda ang performance ng mga Pilipinong estudyante sa nalalapit na Programme for International Student Assessment (PISA) Exams sa susunod na taon.

Inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na linggo-linggo ay nakatatanggap ang DepEd ng updates mula sa task force para sa gagawing paghahanda sa PISA Exams sa March 2025.

Sinabi ni Angara na mula sa isa punto siyam na milyong mag-aaral mula sa public at private schools sa buong bansa, pitunlibo lamang ang sasailalim sa pagsusulit, batay sa pagpili ng PISA na manggagaling sa dalawandaang paaralan.

Matatandaang nagdulot ng kahihiyan sa pamahalaan ang PISA Exams, na sumusukat sa kakayanan ng mga labinlimang taong gulang na mag-aaral sa Mathematics, Science, at Reading. Sa huling PISA Exams noong 2022, pang-anim ang Pilipinas mula sa mga bansang kulelat sa Mathematics, na may average score na 355; pangatlo mula sa dulo sa Science sa average score na 356; at pang-anim din mula sa pinakahuli sa Reading sa average score na 347.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).