AMINADO ang Department of Education na naging mabagal ang konstruksyon ng mga silid-aralan noong Hulyo 2022 hanggang Agosto 2025.
Sa pahayag ng DepEd, kinumpirma nitong dalawampu’t dalawang (22) Classrooms lang ang nakumpleto ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng 2025 Basic Education Facilities Fund.
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Ayon sa DepEd, kabilang sa mga dahilan sa mabagal na pagtatayo ng mga Classroom ay ang Heavy Workload ng DPWH, Late Validation at Costing Submission, at pagbabago sa liderato.
Tiniyak naman ng DepEd na pansamantala lamang ang Delay at nananatili ang Focus ng ahensya na makapagtayo ng mas maraming silid-aralan.
Isusulong din ng ahensya ang Flexibility sa 2026 Budget para ang proyekto ay maipatupad hindi lamang ng DPWH kundi maging ng DepEd mismo.
Ilulunsad din ng DepEd ang Online Classroom Dashboard para sa Public Tracking ng mga pangangailangan ng Classroom at Construction Progress.