8 July 2024
Calbayog City
National

Deklarasyon bilang regular non-working holiday ng halalan, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan sa ikatlo ang huling pagdinig sa Mababang Kapulungan ang pagdedeklara bilang regular non-working holiday ang mga araw ng halalan.

Ang house bill 8187 na inakda ni 4P’s party list Representative JC Abalos ay layuning amyendahan ang umiiral na The Administrative Code of 1987 upang maibilang ang mga halalan sa talaan ng regular holidays at nationwide special days sa buong bansa.

Sakop ng panukala ang mga pambansang halalan kabilang na plebiscite, referendum, people’s initiative, recall election, special election, regional elections at ilang pang kahalintulad na pambansang gawain.

“If passed into law, this shows a significant milestone in promoting civic rights in the electoral process. And I hope that our counterparts in the Senate will see its significance by filing and passing a similar measure,” ayon kay Abalos.

Sakaling maisabatas, sinabi ng kongresista ay mas maraming mga mamamayan ang makapagpapahayag ng kanilang karapatan na makaboto o mula sa dating 75 percent ay aabot sa 95 percent ang makikibahaging botante.

Umaasa naman si Abalos sa kagya’t na paghahain ng kaparehong panukala bilang pagkilala sa kahalagahan ng karapatan ng mamamayan sa pagpili ng mga pinuno ng bayan. (Jack Adriano)

jm

editor
A leader and a former college instructor who loves to inspire people through writing. He is managing the JM Daily Inspiration social media accounts where he posts inspirational contents.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *