Umabot na sa halos isandaan at limampu katao ang nasawi bunsod ng malawakang pagbaha at landslides sa Nepal.
Karaniwan na ang mapaminsalang mga pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng malalakas na pag-ulan sa katimugang asya tuwing monsoon season simula Hunyo hanggang Setyembre, subalit ayon sa mga eksperto, ay pinalala ito ng climate change.
Ang kabuuan ng Kathmandu ay inulan nitong weekend na may kasamang flash floods na nanalasa sa kabisera at umabot ang pinsala sa mga highway na nag-uugnay sa lungsod at sa natitirang bahagi ng Himalayan Republic.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority sa Nepal, isandaan apatnapu’t walo na ang nasawi sa buong bansa bunsod ng kalamidad habang limampu’t siyam ang nawawala.