Lima ang patay habang ilang iba pa ang nasugatan sa salpukan ng pampasaherong bus at Sports Utility Vehicle (SUV) sa kahabaan ng Majayjay-Lucban Road sa bayan ng Majayjay sa Laguna.
Ayon kay Reyjohn Libato ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pasado alas tres ng hapon, kahapon, nang mangyari ang banggaan sa border ng mga Barangay Bakia at Ilayang Banga.
ALSO READ:
4 katao, patay sa salpukan ng jeepney at dump truck sa Luna, Isabela
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Naipit ang limang casualties sa loob ng bus habang dinala ang nasa tatlumpung pasahero sa mga kalapit na ospital, kabilang sa Majayjay District Hospital, Laguna Medical Center, at sa mga bayan ng Nagcarlan at Sta. Cruz.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang aksidente.
