18 July 2025
Calbayog City
National

3 sa 10 batang Pinoy, bansot, ayon sa DOH Chief

TATLO sa bawat sampung batang Pilipino na edad lima pababa ang Stunted o bansot.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, bagaman bumaba ng 4 percent ang bilang mula sa datos noong 2019, nakakaalarma pa rin ito.

s25

Sinabi ni Herbosa na 26.7% ng mga batang limang taong gulang pababa ang apektado ng pagkabansot habang ang Overweight at Obesity sa adults ay umabot ng 40%.

Binigyang diin ng kalihim ang pagkakaiba-iba ng Nutrition Levels sa iba’t ibang rehiyon.

May ilang lugar aniya na mataas ang Nutrition Standards habang ang iba ay naiiwan dahil sa kahirapan at kakulangan ng Nutritional Programs.

Idinagdag ni Herbosa na ang pagkabansot ay nangangahulugan na hindi na-develop ang utak ng isang tao, at hindi lamang ito tungkol sa Statistics, kundi sa ninakaw na kinabukasan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).