ITINANGGI ni Dating Executive Secretary Lucas Bersamin na nagbitiw siya sa pwesto, taliwas sa pahayag ng Malakanyang na nag-resign siya mula sa gabinete.
Sinabi ni Bersamin na hindi niya alam kung saan nagmula ang kanyang pagbibitiw, dahil wala naman siyang inihain na resignation letter.
PNP, mananatiling naka-full alert hanggang sa rally sa Nov. 30
OIC secretary ng DBM, balak ipatawag ng ICI
Dating Palace executive na dawit sa Fund Insertions, nakialam din sa appointments sa DOJ – Ombudsman
Dating Cong. Zaldy Co at ilan pang personalidad, kinasuhan ng Ombudsman kaugnay ng 289-Million Peso Flood Control Project sa Oriental Mindoro
Aniya, nabasa na lamang niya na inanunsyo ng palasyo na nag-resign siya dahil sa delicadeza.
Idinagdag ng dating executive secretary na bagaman masarap pakinggan ang salitang delicadeza, ay hindi naman totoo na siya ang nag-resign.
Gayunman, inamin ni Bersamin na tinawagan siya ng kanyang “malapit na kaibigan” noong Lunes ng umaga para sabihin na kailangan na niyang mag “exit” bilang executive secretary.
Aniya, nakausap din niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes ng gabi, subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.
