NAGSAULI si Gerard Opulencia, Dating Regional Director ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ng 40 million pesos sa Pamahalaan, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Inihayag ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida, na ang naturang halaga ay bahagi ng 150 million pesos na kickbacks na nais ibalik ng dating DPWH regional director.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Sinabi ni Vida na idineklara ito ni Opulencia na kinita nito mula sa iba’t ibang proyekto na iligal nitong nakuha.
Ayon naman kay Prosecutor General Richard Fadullon, bagaman respondent si Opulencia sa reklamo na may kinalaman sa Ghost Flood Control Project sa Bulacan, ang pera ay mula sa ibang transaksyon na pinasok nito noong ito ay nasa national Capital Region pa.
Itinanggi rin aniya ni Opulencia na tumanggap ito ng kickbacks mula sa Flood Control Projects.
