IDINEMANDA ni Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang hindi pinangalanang mall-goer na nakaalitan niya sa isang viral video.
Naghain si Guanzon ng reklamong Unjust Vexation at Oral Defamation laban sa lalaki noong Sabado.
ALSO READ:
Sa video na ipinost niya sa kanyang Facebook page, sinabi ni Guazon na nagreklamo talaga siya sa pulis at nagdemanda kahit gabing-gabi na.
Giit pa ng dating COMELEC official, masama ang kanyang pakiramdam, pagod din siya, at hindi pa nakakain ng hapunan.
Sa viral video, makikitang galit na galit si Guanzon habang kinu-kompronta ang dalawang indibidwal sa isang mall sa Makati City.
Ayon kay Guanzon, nagsimula ang komprontasyon matapos siyang kutyain ng lalaki dahil wala siyang suot na face mask.




