INANUNSYO ng Department of Agriculture ang planong pagbebenta ng 20 pesos per kilo na bigas sa ilalim ng ‘Benteng Bigas Meron Na’ (BBM Na) Program sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo, gaya ng Eastern Samar at Masbate.
Ayon sa DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang hakbang ay kasunod ng pananalasa ng Bagyong Opong na nagdulot ng 1.95 billion pesos na halaga ng pinsala sa agrikultura, kasama na ang pinagsama-samang Losses na iniwan ng mga Bagyong Mirasol at Nando.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sa loob ng isang buwan ay sa mga apektadong lugar sa Eastern Samar at Masbate sila magbebenta ng benteng bigas.
Layunin aniya ng Availability ng murang bigas na mapunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente at tulangan silang makabangon mula sa epekto ng Bagyong Opong.
Idinagdag ni Tiu Laurel na bawat pamilya ay maaring bumili ng bigas na hanggang tatlumpung kilo sa loob ng isang buwan.