NAGHATID ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 ng Food Boxes sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Opong sa Calbayog City.
Nagbigay din ang ahensya ng ayuda, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Nagkakahalaga ito ng sampung libong piso para sa pamilyang nawalan ng mahal sa buhay sa Barangay Malajog, dulot ng naturang kalamidad.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng agarang pagtugon ng DSWD sa ilalim ng Disaster Response Management Division, alinsunod sa mandato nito na tiyaking mabilis na maibibigay ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa panahon ng sakuna.
