MAGIGING manigo ang bagong taon ng mga manggagawa sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula.
Ito ay dahil inaprubahan na ng Wage Board ang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa dalawang rehiyon.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
8 katao, patay matapos mahulog ang multicab sa bangin sa Ayungon, Negros Oriental
Epektibo sa January 1, 2026 tataas ng P25 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula.
Dahil dito, ang Minimum Wage sa rehiyon ay magiging P426 hanggang P439 na.
Magkakaroon din ng ikalawang tranche ng dagdag sahod sa rehiyon sa June 1, 2026.
Samantala, sa January 1 din ang effectivity ng dagdag na P25 hanggang P51 sa Minimum Wage sa MIMAROPA.
Dahil dito magiging P455 ang minimum na sahod sa rehiyon.
Mula sa kasalukuyang P6,500 ay magiging P7,000 na ang minimum na sahod ng mga kasambahay sa MIMAROPA.
