PINAPLANTSA na ng pamahalaan ng Pilipinas at Hong Kong ang Customs Cooperative Arrangement, na tutugon sa problema sa Iligal na Pangangalakal.
Ayon kay Finance Secreatary Ralph Recto, kinakailangan ng bansa ang kasunduang ito, kaya mahalagang matapos ang Bilateral Arrangements, sa pagitan ng Bureau of Customs at Hong Kong Counterparts.
Kabilang sa mahalagang probisyon na makatutulong sa magkabilang panig, ay ang pagbabahagi ng information and intelligence, upang matiyak ang wastong aplikasyon ng mga batas sa Customs.
Layunin ng Draft Arrangement, na magsilbing Mutual Administrative Assistance, at malabanan ang mga paglabag sa Customs, pati na ang seguridad ng International Trade Supply Chain.