KINANSELA ng gobyerno ang 88 Million Dollars na loan sa world bank para sa Philippine Customs Modernization Project (PCMP) sa gitna ng mga nakabinbing kasong sa korte na nagpa-delay sa implementasyon ng proyekto.
Kinumpirma ito ni Finance Secretary Ralph Recto, kasabay ng pagsasabing magkakaroon ng panibagong modernization project, subalit hindi na sa pamamagitan ng PCMP.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ang project cost ng PCMP ay 104.38 Million Dollars o tinatayang nasa 5.95 Billion Pesos.
Sa naturang halaga, 88.28 Million Dollars ay uutangin sa World Bank habang ang natitirang 16.1 Million Dollars ay popondohan ng pamahalaan.