UMAASA ang Filipina Olympian na si Joanie Delgaco na madagdagan pa ang rowers na magku-qualify sa mga susunod na Olympic Games.
Si Delgaco ay nagkaroon ng historic stint sa paris makaraang itanghal bilang kauna-unahang Filipina Rower na nakapasok sa olimpiyada.
Hindi naman na-dismaya ang bente sais anyos na Pinay Rower dahil nag-rank ito bilang pang-dalawampu mula sa tatlumpu’t dalawang Olympians na sumabak sa palaro.
Idinagdag ni Delgaco na maraming kababaihan na nagtangkang mag-qualify, at laking pasasalamat niya sa diyos dahil binigyan siya ng pagkakataon na makapaglaro bilang First Filipina Olympic Rower.