ISANG rifle grenade ang nahukay ng isang kwarenta’y syete anyos na magsasaka habang nagtatanim ng puno ng niyog sa Quinapondan, Eastern Samar.
Nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion 2 ng naturang lalawigan, ala sais y medya ng umaga noong linggo.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Agad namang isinuko ng magsasaka na kinilala lamang sa alyas Jo ang rifle grenade sa mga otoridad.
Ayon sa Quinapondan Municipal Police Station, itu-turnover nila ang naturang eksplosibo sa Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit-Eastern Visayas para sa proper disposition.
