GANAP nang batas ang “Eddie Garcia Law” na po-protekta sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 11996, na mag-oobliga sa employers na protektahan ang TV at Movie Workers.
Kasama rin ang pagtatakda ng work hours, sweldo at iba pang wage-related benefits, social security at welfare benefits, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance.
Alinsunod din dapat ito sa Labor Code of the Philippines at Republic Act No. 11058 o an “Act strengthening compliance with occupational safety and health standards”, at iba pang mga kaukulang batas.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng isandaan hanggang limandaang libong piso.
Ang Eddie Garcia Law ay nag-ugat nang ma-aksidente sa set na nag-resulta sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.