15 March 2025
Calbayog City
Local

Magsasaka sa Eastern Samar, nakahukay ng pampasabog habang nagtatanim ng puno ng  niyog

ISANG rifle grenade ang nahukay ng isang kwarenta’y syete anyos na magsasaka habang nagtatanim ng puno ng niyog sa Quinapondan, Eastern Samar.

Nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion 2 ng naturang lalawigan, ala sais y medya ng umaga noong linggo.

Agad namang isinuko ng magsasaka na kinilala lamang sa alyas Jo ang rifle grenade sa mga otoridad.

Ayon sa Quinapondan Municipal Police Station, itu-turnover nila ang naturang eksplosibo sa Regional Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit-Eastern Visayas para sa proper disposition.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *