NAGLABAS ang Court of Appeals (CA) ng freeze order laban sa sampung bank accounts, pitong real properties, limang sasakyan, at isang aircraft ni Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Kinatigan ng CA ang Petition for Freeze Order na inihain ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa properties ni Quiboloy at ng KOJC, pati na ng iba pang mga indibidwal.
Saklaw ng naturang kautusan na may petsang Aug. 6, 2024, ang 47 bank accounts, 16 real properties at labing anim na sasakyan na nasa ilalim ng KOJC.
Sa pag-apruba sa hiling na freeze order ng AMLC, binigyang diin ng appellate court ang trafficking at child and sexual abuse cases ni Quiboloy, pati na ang solicitation of donations sa US.
Tinukoy din ng CA na ang donasyon ay idineposito sa Philippine Accounts ng KOJC para pondohan ang pagtatayo ng stadium at suportahan ang magarbong “lifestyle” ni Quiboloy, at iba pa.