OPISYAL nang idineklara ng PAGASA ang pag-iral sa bansa ng Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa pahayag ng PAGASA sa nakalipas na ilang araw naobserbahan ang paglakas ng High-Pressure Area sa East Asia, na nagdulot ng Surge ng Northeasterly Winds sa Extreme Northern Luzon.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Maliban dito, naobserbahan din ang iba pang Environmental Conditions kabilang ang pagtaas ng Atmospheric Pressure at paglamig ng kapaligiran.
Ang Meteorological Patterns na ito ayon sa Weather Bureau ay indikasyon ng pagsisimula ng Amihan Season.
Ayon sa PAGASA sa mga susunod na Linggo, ang Amihan ay mararamdaman sa mas malaking bahagi ng bansa na maghahatid ng Malamig at Dry Air.
Habang umiiral ang Amihan, maaari ding makaranas ng Rough Sea Conditions at Shear Lines sa bansa.
