Hinikayat ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte si Philippine National Police Chief General Nicolas Torre III na pumirma sa waiver bago ang boxing match nila ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte.
Ayon sa kongresista, sa pipirmahang waiver ni Torre dapat nakasaad na walang magiging pananagutan ang kaniyang kapatid sakaling mapuruhan nito ang PNP chief.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni Rep. Duterte na sakali mang may masamang mangyari kay Torre dapat ay walang legal na pananagutan si Baste Duterte.
Suportado din ni Rep. Duterte ang kondisyon ng kaniyang kapatid na dapat sumailalim muna sa hair follicle drug test ang mga elected officials bago ang boxing match.