BINAGO ni Davao City Cong. Paolo “Pulong” Duterte ang kanyang Request for Travel Authority.
Mula sa naunang labimpito na kanyang idineklara ay ibinaba na lamang ng kongresista sa dalawa ang kanyang destinasyon.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Kinumpirma ito ng executive director ng Office of the Secretary General ng House of Representatives.
Una nang humirit ang kongresista ng clearance para maka-biyahe mula Dec. 15, 2025 hanggang Feb. 20, 2026 sa labimpitong bansa, kabilang ang Netherlands kung saan nakapiit ang kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinumiteng Revised Request, nais ng nakababatang Duterte na makabiyahe simula Jan. 3 hanggang Jan. 30, 2026 sa The Netherlands at Australia.
Layunin ng kanyang biyahe na dalawin ang ama na nakakulong sa The Hague, at bisitahin ang kanyang anak na nag-aaral sa Australia.
