Tigil operasyon na ang CNN Philippines simula sa Miyerkules, Jan. 31, bunsod ng malaking pagkalugi sa mga nakalipas na taon.
Ayon sa operator ng media network na Nine Media Corp. (NMC), hindi na nila itutuloy ang kanilang news and production operations sa lahat ng media platforms na branded bilang CNN Philippines.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng kanilang Chairman na si D. Edgard Cabangon na delayed na noong nakaraan pang taon ang termination of franchise deal nila sa CNN International.
Batay sa financial statements ng NMC sa mga nakalipas na taon, nalugi ito ng 231.4 million pesos noong 2021 at 239.7 million pesos noong 2022.
Nakapagtala rin ang kumpanya ng capital deficiency na 226.2 million pesos noong 2021 at 465.2 million noong 2022.