Itinalaga muli ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Tim Cone bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Pangungunahan ni Cone ang men’s basketball team, simula sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Matatandaang ang multi- talented mentor ang arkitekto sa likod ng pamamayagpag ng Gilas sa Asian Games, kung saan nasungkit ng Pilipinas ang gintong medalya makalipas ang animnapu’t isang taon.