NUMINIPIS ang Supply ng itlog sa bansa bago pa man ang Holiday Season dahil sa bumabang produksyon at kalidad ng patuka.
Sinabi ni Francis Uyehara, pangulo ng Philippine Egg Board Association (PEBA), na maagang tumaas ang presyo ng itlog ngayong taon.
ALSO READ:
Ito aniya ay dahil sa iba’t ibang sakit bukod sa Bird Flu, at nagkaroon ng problema sa Quality ng Raw Materials na ginagamit sa Feeds.
Idinagdag ni Uyehara na nagkaroon ng pansamantalang kakulangan sa mga sisiw.
Sa Latest Monitoring ng Department of Agriculture, nasa 9 pesos and 25 centavos ang presyo ng Medium-Sized na itlog.