8 November 2024
Calbayog City
Business

Trade Deficit noong Setyembre, pinakalamalaking gap sa loob ng 20 buwan

LUMOBO sa 5.09 Billion Dollars ang trade-in-goods deficit ng Pilipinas noong Setyembre, na pinakamalaking trade gap sa loob ng dalawampung buwan.

Sa preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Trade-In-Goods Balance o ang agwat sa pagitan ng exports at imports noong Setyembre ay umakyat ng 43.4 percent mula sa 3.55 Billion Dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas mataas din ito ng 15.81 percent kumpara sa 4.39 Billion Dollars na trade gap na nai-record noong Agosto.

Noong Setyembre ay bumaba ng 7.6 percent o sa 6.26 Billion Dollars ang exports mula sa 6.77 Billion Dollars noong agosto habang tumaas ang imports ng 9.9 percent o sa 11.34 Billion mula sa 10.32 Billion sa kaparehong panahon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).