DESIDIDO ang boksingerong si Conor Benn na ipagpatuloy ang kanyang karera sa Britanya, makaraang absweltuhin siya ng National Anti-Doping Panel (NADP) sa maling gawain kaugnay ng dalawang beses na pagbagsak sa drug tests noong 2022.
Ang bente kwatro anyos na British boxer ay dalawang beses nagpositibo sa fertility drug na “clomifene” na nagpapataas ng testosterone levels sa kalalakihan.
ALSO READ:
Office of the President, magbibigay ng karagdagang cash incentives sa SEA Games medalists
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
2 Pinoy, sasabak sa 2026 Winter Olympics sa Pebrero
Dahil dito, kinansela ang laban ni Benn sa British Rival na si Chris Eubank Jr. sa O2 Arena sa London noong Oct. 8, 2022, at tinanggalan ito ng lisensya ng British Boxing Board of Control.
Gayunman, binaliktad ng NADP ang kanilang desisyon sa pagsasabing hindi sila kontento sa mga ebidensya ng UK anti-doping agency na nakagawa ng doping offense si Benn.
