INILIPAD na ang labi ng dating One Direction Star na si Liam Payne sa Britanya mula sa Argentina.
Pumanaw si Payne noong nakaraang buwan matapos umanong mahulog sa balcony ng hotel sa Buenos Aires.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Sa video na kumalat sa social media, makikita ang ama ni Payne na si Geoff, sa Eziza International Airport, ilang minuto bago sumakay ng eroplano.
Ayon sa report ng Argentine Media, inilipat ang labi ng Payne mula sa British Cemetery sa Buenos Aires kung saan ito inembalsamo.
Natagpuang wala nang buhay ang trenta’y uno anyos na dating miyembro ng One Direction noong Oct. 16 matapos mahulog mula sa balcony ng kanyang kwarto sa ikatlong palapag ng Casasur Hotel sa kabisera ng Argentina.
