Sa loob ng isang buwan umabot sa mahigit P7.2 billion na halaga ng pinagsamang shabu at marijuana ang nakumpiska sa mga ikinasang operasyon ng Police Regional Office 1.
Ayon sa PRO1, umabot sa 151 na operasyon ang ikinasa mula June 1 hanggang June 30 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit isang milyong gramo ng shabu at mahigit 24 grams ng dried marijuana.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Sa nasabing mga operasyon, umabot sa 138 ang naarestong suspek na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng bawal na gamut sa rehiyon.
Pinaigting din ng PRO1 ang kampanya nito laban sa mga wanted person kung saan umabot sa 29 most wanted ang nadakip at 260 na iba pang wanted persons.
