OPISYAL na idineklara sa Calbayog City ang Hadang Festival bilang Official City Festival sa pamamagitan nang bagong inaprubahang Ordinansa.
Ang Ordinance No. 2025-27-658 na may titulong “An ordinance declaring the Hadang Festival as the Official Festival of Calbayog City, instituting its annual celebration, and providing Funds therefor,” ay inisponsor ni Councilor Florencio Enriquez at inaprubahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy noong Lunes, sept. 1, 2025.
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
Sa naturang Ordinansa, pormal na nagtapos ang paggamit sa kontrobersyal na Sarakiki Festival.
Sinabi ni Enriquez, Chairman ng Committee on Tourism, Culture, and the Arts, na nakalatag sa Ordinansa ang solidong Framework na magiging gabay sa mga susunod na selebrasyon at Sustainability ng Hadang Festival.
Binigyang diin din ni Vice Mayor Rex Daguman ang kahalagahan ng Ordinansa, sa pagsasabing pinagkalooban nito ng Legal Status ang Hadang Festival at tiniyak ang pagkakasama nito sa Official Calendar of Activities sa lungsod.
