PERSONAL na bumisita si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa RFM Public Market sa Purok 2, Barangay Bagacay.
Kasunod ito ng report na natanggap ng Calbayog City Police Station hinggil sa hinihinalang Drug Activity sa lugar.
ALSO READ:
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Dinakip ng mga awtoridad matapos mahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga habang nasa loob ng Stall ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Alvin” at Alyas “Raul,” kapwa butcher; at alyas “Waldo,” isang helper.
Pinuri naman ni Mayor Mon ang mabilis na aksyon ng Calbayog CPS-SDET, kasabay ng apela sa publiko na agad i-report sa mga awtoridad o sa kanyang tanggapan ang sinumang mayroong nalalaman sa Illegal Drug Activities upang matiyak na maaaksyunan ng tama.
