PINANGUNAHAN ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pagbubukas ng Calbayog Fiesta Bazaar at ikalawang Banchetto De Calbayog na bahagi ng pagdiriwang ng Hadang Festival 2025.
Itinampok sa naturang event ang Culinary Delights, Handcrafted Goods, at Cultural Expressions na sumasalamin sa mayamang pamana at malikhaing pulso ng Calbayog.
ALSO READ:
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Patuloy naman ang paglago ng Banchetto na ngayon ay nasa ikalawang taon na, bilang tinatangkilik na plataporma ng mga lokal na negosyante at artists.
Sa pagbubukas ng Hadang Festival, iniimbitahan ang lahat na namnamin, suportahan, at ipagdiwang ang magagandang handog ng Calbayog.
