18 November 2025
Calbayog City
Local

14 na rebelde, na-neutralize sa pinaigting na operasyon sa Northern Samar

SAMPUNG rebelde ang patay habang apat na iba pa ang sumuko sa Northern Samar, bilang resulta ng pinaigting na kampanya para pulbusin ang New People’s Army (NPA).

Ayon sa Philippine Army, nagsimula ang Momentum noong July 31 nang mapaslang ang walong NPA members sa dalawang magkasunod na engkwentro sa Barangay San Isidro sa Las Navas. 

Apat sa mga nasawi ay matataas na lider ng Eastern Visayas Regional Party Committee. 

Nagresulta rin ang engkwentro sa pagsuko ng isang rebelde at pagkumpiska sa sampung High-Powered Firearms na lalong nagpahina sa Operational at Armed Capabilities ng EVRPC. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).