PORMAL na tinanggap ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang isang Patient Transport Vehicle mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kahapon, sa pangunguna ni Pangulong Marcos ay ginanap ang Ceremonial Turnover ng mga ambulansya bilang bahagi ng kanyang malawak na Commitment para palakasin ang Medical Mobility at Life-Saving Interventions sa mga lokal na komunidad.
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng mga ambulansya para sa Eastern Visayas
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Mahigit 110,000 na kabataang botante, nagparehistro sa Eastern Visayas
Kasama ni Pangulong Marcos si PCSO General Manager Melquiades Robles, na personal na nag-abot ng Symbolic Keys sa Local Officials, kasabay ng pagbibigay diin na sisikapin ng administrasyon na gawing mas Accessible at Responsive ang Healthcare sa Grassroots Level.
Nagpasalamat naman si Mayor Mon sa tinanggap na suporta, kasabay ng pangako na ipagpapatuloy ng Calbayog ang pangangalaga sa Public Health at pagpapalakas sa Local Service Delivery.