MAKALIPAS ang anim na buwan, ligtas na ang coastal waters ng Calbayog City sa Samar mula sa nakalalasong red tide.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), matapos mag-negatibo sa red tide ang water samples sa mga nakalipas na linggo, inalis na ang Calbayog City sa Local at National Shellfish Bulletins.
Simula July 30, 2024 ay kabilang ang naturang lungsod sa listahan kung saan umiiral ang ride tide.
Samantala, dalawa pang baybayin ang nananatiling nasa listahan, base sa latest National Shellfish Bulletin.
Kinabibilangan ito ng coastal waters sa bayan ng leyte sa lalawigan ng Leyte; at Matarinao bay sa general Macarthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo sa Eastern Samar.