MALAPIT nang maisakatuparan ang pangarap na magkaroon ng City College sa Calbayog.
Kamakailan ay nakipagpulong si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga miyembro ng core team mula sa Northwest Samar State University (NWSSU), na siyang bumalangkas ng feasibility study, para sa initial consultations.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Sumentro ang pulong na dinaluhan din ng concerned city officials, sa pag-assess sa feasibility study upang matiyak na ito ay kumpleto, evidence-based, at alinsunod sa pangangailangan ng mga Calbayognon.
Nakikita ni Mayor Mon ang City College bilang isang paraan upang mabigyan ang mga lokal na residente ng abot-kayang oportunidad upang maipagpatuloy ang mas mataas na edukasyon nang hindi kailanganing lisanin ang Calbayog.
