19 December 2025
Calbayog City
Metro

MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko

ILANG araw bago mag-pasko tumambad sa MMDA ang tambak na mga basura sa ilang pumping stations sa Metro Manila.

Nabahala naman ang MMDA sa sitwasyong ito ng mga pumping stations at sinabing hindi ito maituturing na bahagi ng Christmas spirit. 

Nagsagawa ng paglilinis ang mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA sa mga pumping stations.

Ayon sa MMDA, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ang nagiging sanhi ng pagbabara sa mga drainage at pumping station.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.