NAGBUGA ng abo ang Kanlaon Volcano, kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang ash emission 4:05 P.M. at tumagal ng halos dalawang oras.
ALSO READ:
Sa social media post, sinabi ng ahensya na umabot sa 900 meters ang ash plume mula sa bunganga ng bulkan na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 2.
Idinagdag ng PHIVOLCS na posibleng nakaapekto ang ibinugang abo sa mga komunidad ng La Carlota City at Bogo City, pati na sa Murcia sa Negros Occidental.




