MULING nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano sa Negros Island.
Ayon sa PHIVOLCS, 1:48 P.M. kahapon nang maitala ang Ash Emission at tumagal ito hanggang 2:25 P.M.
ALSO READ:
Lumikha ito ng Grayish Plumes na taas na 400 meters mula sa bunganga ng bulkan, bago tinangay ng hangin patungong Timog Kanluran.
Bago ito ay nagbuga rin ng abo ang pinakamataas na bulkan sa buong Visayas Region, na naitala mula 7:30 A.M. hanggang 7:42 A.M., kahapon.
Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Kanlaon Volcano, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-Kilometer Permanent Danger Zone.




