Pitong persons deprived of liberty (PDLs) ang nagtapos ng kolehiyo habang nasa bilangguhan habang mayroong tatlumpu’t lima (35) pa ang naka-enroll sa kasalukuyan.
Ito ay bahagi ng programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tulungang magbagong buhay ang mga PDL.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera, layunin nitong maihanda ang mga PDL at sa kanilang paglaya ay bitbit na nila ang diploma.
Sinabi ni Bustinera na ang 35 naka-enroll na PDL ay kasalukuyang nag-aaral ng entrepreneurship courses sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Para masuportahan ang mas marami pang PDLs na nais makapag-aral, sinabi ni Bustinera na pinagbubuti pa ng BJMP ang kanilang digital infrastructure para sa online at hybrid classes.