PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang local school board meeting na ginanap sa Division Conference Hall.
Layunin ng pulong na rebyuhin at rebisahin ang budget proposal para sa 2025 Concentration Training at 2025 Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet.
ALSO READ:
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Dahil sa pagbabago ng venue, ang EVRAA Meet ay gagawing clustered o bubble game format sa tatlong lokasyon.
Kinabibilangan ito ng Eastern Samar sa Feb. 20-23, 2025; Maasin City sa Feb. 27 hanggang March 2, 2025; at Tacloban City sa March 6 hanggang 9, 2025.
Tinalakay sa meeting ang revised budget dahil sa binagong venue arrangements.
