MATAGUMPAY na inilunsad sa lalawigan ng Samar ang huling yugto ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), noong biyernes hanggang sabado.
Isinagawa ang aktibidad sa Northwest Samar State University sa Calbayog City, kung saan umabot sa 700 million pesos ang halaga ng mga programa, serbisyo, at tulong pinansyal ang ipinamahagi sa may animnapung libong mga benepisyaryo.
Binigyang diin ni Speaker Martin Romuladez na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng BPSF, ang kahalagahan ng programa sa pag-abot sa mga komunidad na hindi nabibigyan ng sapat na serbisyo.
Nagsimula ang programa noong biyernes sa pamamagitan ng ceremonial turnover ng labinsiyam na programa ng labing apat na ahensya ng gobyerno habang nagtapos ang event noong sabado sa pamamagitan ng “Pagkakaisa Concert” sa Calbayog City Coastal Road na dinaluhan ng libo-libong katao. Bilang pagdiriwang sa diwa ng pagkakaisa na pinapalaganap ng BPSF.
Pinangunahan nina Samar Governor Sharee Ann Tan, Samar 1st District Rep. Stephen James Tan at Samar 2nd District Rep. Reynolds Michael Tan ang aktibidad, sa pakikipagtulungan ng Calbayog City Government sa pangunguna ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, bilang lokal na punong abala sa event.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang local hosts ng event, sa pagsasabing dahil sa kanilang pagsisikap ay naging matagumpay ang pamamahagi ng tulng na kinakailangan ng lalawigan.