27 March 2025
Calbayog City
National

Pag-iisyu ng guarantee letter sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation ng DSWD pansamantalang ihihinto simula sa Dec. 14

guarantee letter

Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay o pag-iisyu ng Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng ahensya sa buong bansa.

Ayon sa abiso ng DSWD, simula sa Dec. 14, 2024 hindi muna mag-iisyu ang ahensya ng GL.

Ayon sa DSWD, ito ay para sa gagawing annual liquidation bilang bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa mandato ng Department of Budget and Management (DBM).

Makakatulong din ang pansamantalang suspensyon na ito sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento para maiproseso ang bayad sa mga service providers na nagbigay ng serbisyo sa mga kliyenteng nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng GL. Samantala, ipagpapatuloy naman pamimigay ng cash assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi lalampas sa P10,000.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.