26 March 2025
Calbayog City
National

Honda, iniutos ang recall sa mahigit 16,800 na sasakyan dahil sa depektibong fuel pump

honda

Magsasagawa ng recall ang kumpanyang Honda Motor sa ilang sasakyan nito dahil sa problema sa fuel pump.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sasailalim sa fuel pump replacement ang mga apektadong sasakyan dahil sa manufacturing error.

Sakop ng recall ang ilang Honda car models gaya ng Odyssey, Accord, Mobilio, BR-V, Civic Jazz, HR-V, CR-V City at Civic Type-R na ang model year ay nasa pagitan ng 2017 hanggang 2020.

Ayon sa DTI, kabuuang 16,831 ang maaapektuhang units.

Walang babayaran ang car owners sa gagawing pagpapalit ng fuel pump.

Ayon sa DTI, ang replacement ay isasagawa ng 38 authorized dealers ng Honda at 3 service centers nito. Wala namang napaulat na aksidente o injuries na naidulot bunsod ng nasabing depekto.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.