HINDI matutuloy ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Calbayog City na itinakda bukas at sa linggo, bunsod ng inaasahang pananalasa ng Bagyong Pepito.
Batay sa inilabas na advisory, alinsunod sa guidance mula sa Office of Civil Defense Region 8, iniurong sa Nov. 21 hanggang 22 ang BPSF Samar, upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Una nang inihayag ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na itatampok sa BPSF ang serbisyo caravan na may partisipasyon ng labinsiyam na national agencies, sa pakikipagtulungan ng Tingog Party-List at ibang local offices.
Layunin ng event na maihatid ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno at direktang ayuda sa mga residente ng Calbayog.
Inihayag naman ni Vice Mayor Rex Daguman na inaasahang aabot sa 23,000 beneficiaries mula sa lungsod ang makikinabang sa iba’t ibang financial assistance program, pati na iba pang essential services.