25 April 2025
Calbayog City
Local

RDRRMC sa Eastern Visayas, pinaigting ang mga hakbang bilang paghahanda sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Pepito

PINAIGTING ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC-8) ang kanilang proactive approach sa disaster preparedness dahil sa nakaambang pananalasa ng bagyong Pepito.

Sa memorandum na inilabas ng RDRRMC sa Eastern Visayas, inatasan ang lahat ng concered chairpersons ng local risk reduction and management councils at RDRRMC-Member Agencies na makiisa sa pagpapatupad ng response actions kaugnay ng kasalukuyang lagay ng panahon.

Kabilang na rito ang pagsuspinde sa malawakang pagtitipon hanggang sa bumuti ang panahon, limitahan ang pagbiyahe, mahigpit na bantayan ang kinaroroonan ng bagyo at maglabas ng early warnings sa publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang platforms.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).