ILANG rehiyon sa Luzon at Visayas ang inatasang magsagawa ng pre-emptive evacuation ngayong biyernes dahil sa banta ng mga Bagyong Ofel at pepito, ayon sa Office of Civil Defense.
Sa press briefing, sinabi ni OCD Operations Service Director Cesar Idio na alinsunod sa atas ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., simula ngayong araw hanggang bukas ay maaring magsagawa ng maagang paglilikas sa mga residenteng maaring maapektuhan ng mga kalamidad.
Kabilang sa mga rehiyon na inatasang ilikas ang mga residente ay Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Central Visayas.
Pinatitiyak din sa mga nabanggit na rehiyon ang replenishment at pre-positioning ng resources sa itinakdang window.