TARGET ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos sa susunod na buwan ang rehabilitasyon sa Biliran Bridge.
Ayon kay DPWH Biliran District Engineering Office OIC Irwin Antonio, bahagi ng proyekto na pinondohan ng 28.9-million pesos ang pagpapalit ng corroded bolts ng tulay, pagsasaayos n sirang steel members at plates, at paglalagay ng bagong finger-type expansion joints.
Sinabi ni Antonio na magsasagawa pa ng Load Rating Capacity Assessment sa tulay bago ito tuluyang buksan malalaking sasakyan.
Sa ngayon kasi, limitado sa mga sasakyan na may bigat na five tons pababa ang pinapayagang dumaan sa tulay.
Sa sandalling matapos ang repair ay inaasahang maibabalik ang orihinal na 15-Ton Limit ng Biliran Bridge.